Isa lang iyong tanong ko. "Kailan tatapusin ang lahat?" Ayokong mang tapusin 'to. Pero kung aalisin n'ya 'yung bagay na pinanghahawakan ko tatanggapin ko. Pagbinawi n'ya 'yung nag iisang bagay na 'yun, sign na iyon na wala ng kami. Na wala ng ako at siya. Na saming dalawa hindi na nag eexist 'yung salitang "MAHAL KITA" kasi lahat naman magtatapos sa "PAALAM NA". "Ang sakit sa pakiramdam na iniwan mo sa'kin lahat ng responsibilidad.Responsibilidad na hindi lang dapat ako ang gumagawa, kakayanin ko kaya ito?"- Skylie Pero pano kung 'yung taong inaasahan mong mags-stay biglang umalis sa tabi mo? Paano kung biglang natapos 'yung namamagitan sa inyo? Handa mo bang bitawan ang lahat kahit na mahal mo pa s'ya kung o pipigilan hanggang dumating ang HULING SANDALI? Ito ay istorya ng dalawang nagmamahalan na hindi alam kung paano dudugtungan o tapusin ang kanilang nasimulang pagmamahalan. Date Written: March 28, 2021All Rights Reserved
1 part