Lahat ng tao may kanya kanyang gusto, may kanya kanyang minimithi at pinapangarap. Pera Magandang Bahay Maayos na pamumuhay Masaya at walang epal na love life Magandang trabaho Mataas na pinag-aralan Masasarap na pagkain at kung ano-ano pa.. Syempre hindi mawawala diyan ang salitang "SANA" Pero hindi mo naman makakamit ang lahat ng gusto mo sa buhay kung hanggang sa pagsasalitang "Sana" lang ang magagawa mo. Kailangan mo muna maghirap at pagsikapan ang mga bagay na gusto mo. Wala naman libre sa mundo diba? Pwera na lang kung isa ka sa mga iilan tao sa mundo na tinaman ng suwerte kagaya ko.