Mundong punong-puno ng mahika, mga kakaibang mga nilalang, mga taong may kakaibang kakayahan, at mga tanawing kay gandang pagmasdan---ayan ang Celestia. Ang Celestia ay nahahati sa apat na malalaking isla; ang Boreasia o ang tirahan ng mga Celestianeans; ang Vulturnusia o ang tirahan ng mga Halimaw; ang Zephyrusia o ang tahanan ng mga Espiritu; at ang Notusia o ang tahanan ng mga Mahihiwagang Nilalang. Ang mga Celestians na nagtataglay ng kakaibang marka sa kanilang mga katawan ay nagtataglay ng kakaiba't malalakas na kapangyarihan. Ito ay pinaniniwalaang marka ng mga Diyos at makukuha lamang kapag ikaw ay napili at pinagpala nila, kaya nama'y kinikilala ang mga nagtataglay ng mga markang ito bilang "Pinagpalang Anak". Pinaniniwalaang ang mga markang ito ay lilipat sa ibang katauhan kapag ang nagtataglay nito ay yumao. Ngunit, ang mga Celestians na nagtataglay nito ay tunay nga bang maituturing na pinagpala o 'di naman kaya'y isinumpa? Sila na nga ba ang magwawakas ng kaguluhan sa Celestia o sila ang magiging dahilan sa pagsiklab nito? Makakamit pa ba ng mga Celestians ang hinahangad-hangad nilang kapayapaan o tuluyan nang maghahari ang kasakiman at kadiliman sa buong Celestia maging sa mundo ng mga tao?
5 parts