Gaya ng karamihan, isa si Leane sa may mga bagay na pinaka iniingatan. Marahil ay may malalim na dahilan o ala-ala mula dito na ayaw nyang kalimutan. Subalit, isa lamang nga ba itong bagay? O higit pa sa inaakala nya?
Paano kung bigla kang makaramdan ng emosyon na hindi mo maipaliwanag sa isang tao na kakakilala mo pa lang?
At papaano kung sa maikling sandali mo lang ito mararanasan?
Magpapatangay ka ba sa magulo mong isipan at damdamin?
O iiwas ka kung kaya mo itong iwasan?
Kaya mo bang labanan at kalimutan ang tawag ng matinding atraksyon at ang init ng katawan? o ang mas higit pa ito dito... ang Pag-Ibig?