Minsan nakakapagod din ang magmahal. Kalakip nito ang sakit, takot, pangamba at panghihinayang. Panghihinayang sa mga panahong nasayang at panghihinayang sa mga maling desisyong nagawa. Paano kung kasabay ng pagsuko mo ay ang siyang pagdating ng taong magpapabago ng pananaw at buhay mo? Paano kung ang taong ito ay kabaligtaran ng taong pinapangarap mo? Susugal ka ba ulit o iiwas na lang para hindi na muli pang makaramdam ng sakit?