34 parts Ongoing May mga himig na hindi natatapos, gaya ng mga alaala na hindi namamatay. May mga pusong nagmamahal sa maling panahon, at may mga kwentong isinulat ng tadhana Kahit labag sa oras.
May mga gitara na minsang pinatunog, ay hindi na muling tatahimik. At may mga kwento na, kahit ilang ulit mong pilit balikan, ay sadyang tinuldukan na ng panahon.
Limang taon nang naninirahan si Harmony sa Chicago. Sa kanyang pagbabalik-bayan, Akala niya. normal na bakasyon lang ito sa Pilipinas. Pero ang gitara na dala niya, dinala din siya sa nakaraan, sa lumang panahon sa ilalim ng mapanupil na pamumuno ng mga dayuhan. Sa panahon na puno ng lihim na pilit nang nilimot. Mga lihim na unti-unti niyang mabubunyag at tuluyang magpapabago sa buhay niya.
Ngunit handa ba siyang bumalik kung ang kapalit ay ang mundong iniwan niya? O pipiliin niyang manatili, kung ang kapalit ay ang taong natutunan niyang mahalin?
Dahil May mga pusong itinadhana sa maling panahon ngunit kailanman ay hindi nagkamali sa pagmamahal.