51 parts Ongoing Sa ibang tao, ang salitang barkada ay may kaakibat na masamang kahulugan. Ngunit sa iba, sila ang nagsilbing tahanan at saya sa pagpasok sa araw-araw.
Anim na estudyante na may iba't ibang libangan, interes at paniniwala. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, hindi ito naging hadlang para makabuo ng isang barkada. Ngunit sa pagsisimula ng huling taon ng Junior High, dalawang transferee ang papasok sa kanilang buhay. Ano ang magiging papel nila? Tutulungan ba nila ang magkakabarkada na magtayo ng mas matibay na pader o sirain ang kanilang magandang pagsasama?
Hindi lang pag-aaral ang inaatupag ng isang estudyante dahil sa kabila ng mga ngiti at masayang kwentuhan, may kanya-kanya silang dalang responsibilidad bilang anak, kapatid, at kaibigan. Makakaapekto ba ang mga responsibilidad na ito sa kanilang pagkakaibigan?
Ano ba ang kwentong naiukit na alaala nila noong Grade 10?