Kung mayroon man siyang pinakainiingatan, iyon ay ang makintab at mahaba niyang buhok subalit hindi niya akalaing ito rin ang magiging mitsa ng panganib sa buhay niya. Napadpad siya sa tribu ng Iraya mangyan sa Mindoro. Gusto niyang umuwi pero ayaw siyang pakawalan ng anak ng tribal leader nila dahil siya raw ang rason kung bakit nasa peligro ang buhay ng walong grupo ng mangyan(Iraya, Alangan, Ratagnon Tadyawan, Tawbuid, Bangon, Hanunuo at Buhid) Sinubukan niyang aralin ang kultura ng mga ito para mapaniwalang isa siyang mabuting tao. Papakawalan kaya siya? O pati puso niya ay nabihag na rin ng pinakamakisig pero masungit na Iraya Mangyan? -Arianna Villafuerte, Bihag ng Iraya Mangyan.