Chat Series # 1
Hindi mo aakalain na ang isang labing pitong taong gulang na si Caella Garcia ay marami na kaagad naging ka-relasyon. Ayon kasi sakanya, masarap daw sa pakiramdam na mayroong lalaking nakakasama, nag-aalaga at nag-mamahal sayo. Bagamat sa dinadami-dami ng lalaking naging parte ng kanyang buhay, walang tumagal dito ni isa. Hindi kasi siya marunong mag-seryoso at sa tingin niya ay laro-laro lamang ito. Kung gaano kabilis pumasok sa isang relasyon si Caella, ganoon rin siya kabilis kumawala at ganon rin siya kabilis humanap ng pamalit.
Isang araw, habang titig-titig ang mga litrato ng kanyang ate Kristine na nasa dalampasigan kasama ang kaibigan at mga tropa ng kaibigan nito, isang lalaking naka asul na beach shorts ang pumukaw ng kanyang pansin.
"Who's that guy, ate?"
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.