Story cover for ALEA by LitPoo
ALEA
  • WpView
    LECTURAS 46
  • WpVote
    Votos 6
  • WpPart
    Partes 6
  • WpView
    LECTURAS 46
  • WpVote
    Votos 6
  • WpPart
    Partes 6
Continúa, Has publicado abr 05, 2021
Isang bayan sa gitna ng malawak na lupain ng Senea ang kilala dahil sa tradisyong ginaganap kada taon. Ito ang pagpili ng mga bini na mageensayo at lalaban para sa buong lupain laban sa mga Desma na kilala bilang mga sakim na halimaw. Ang mga tinatawag namang Fiercia na nakatira kasama ng mga tao sa bayang ito ang nagsisilbing kasangga ng buong bayan at kasamang lalaban para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan. Sa pagsapit ng araw ng pagpili ay nagiba ang takbo ng buhay ni Alea. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay makakaranas siya ng buhay na kailan man ay hindi pa niya nararanasan. Maibabalik pa kaya niya sa dati ang lahat, sa panahong payapa pa ang lahat?

Genre: Fantasy/Romance
Language: Filipino
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir ALEA a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
#9alea
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
Mysterious University de _D4rk_S1d3_
43 partes Concluida Contenido adulto
"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo
Quizás también te guste
Slide 1 of 9
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed] cover
STILL YOU cover
Living the Dream cover
Elemental World: The Unexpected Savior cover
Entasia 2: Sweetest Fantasy cover
Chronicles of Aren:  The Lady Knight cover
Magical World cover
Mysterious University cover
IGNISIA cover

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]

48 partes Concluida Contenido adulto

Ang binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realidad. Ngunit, ang hindi nila inaasahan na manirahan sa mundong iyon ay haharap sa matinding kapahamakan buhat sa tadhanang nakalaan kay Jharel. Isang tadhana na magbibigay kaguluhan hindi lang sa lupain ng Sarim, maging sa buong Eragon. Matutuklasan nila ang mga hiwaga at panganib sa paglalakbay nila sa lupain ng Sarim. Gayun din ang tunay na pagkakakilanlan nila at konesksyon sa mundong iyon. Haharap sila sa maraming hamon at pagsubok, hawak ang misyon na binigay sa kanila ng pinuno na si Tandang Bam. Anong misyon kaya ang ibinigay sa kanila ng pinuno? Ito kaya'y mapapasama o mapapabuti? At ano kaya ang tadhanang nakalaan kay Jharel kung bakit maghahatid ito ng kaguluhan sa mundong iyon? Alamin ang istorya sa Chronicles of Sarim! --- Book cover illustration made by me Date: 11/10/21 --- Started on: July 21, 2019 Completed on: March 20, 2020