Tinanggal nung driver yung helmet niya. Syempre, alam kong si Zone yun.
*Dug dug, dug dug, dug.
"Anong hinihintay mo dyan? Bagyong Yolanda?" Singhal niya. Tss.
"Oo nga sasakay na," simangot ko. Panira ng moment.
Dahil naka-uniform ako eh paside-view ang pagkakaupo ko. Napahawak ako sa balikat niya.
*Dug dug dug dug dug.
"Ikaw magsuot nito," utos niya sabay abot ng helmet.
"Bakit ako?" Tanong ko pero kinuha ko yung helmet.
"Mainit," sabi niya tapos pinaandar yung ignition ng motor.
"Eh di maiinitan din ako. Ayokong suotin,"
" F*** Li, susuotin mo o maglalakad ka?"
"Oo nga susuotin na ayan na nga oh," I said at sinuot nga yung helmet. Ang bigat.
Umandar yung motor. Napahawak ako sa baywang niya.
*Dug dug dug dug.
"Humawak kang mabuti kung ayaw mong pulutin sa kalsada,"
"Okay,"
And I held on his waist tightly.
Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First Sight
25 parts Complete
25 parts
Complete
"I'm going to marry you whether you like it or not."
*****
"Gentleman ka pala," sarkastikong sabi niya at pasalyang inilagay sa backseat ang mga maleta.
"Pasalamat ka nga at tinulungan kitang magbuhat," tila naniniryang sabi ni Santi. "Bagahe mo naman ang mga iyan, ah? Dapat lang na mas may malasakit kang bitbitin iyan kaysa sa ibang tao." Naupo na ito sa harap ng manibela. "Ready to ride?" tanong pa nito at kinindatan siya.
Padaskol na binuksan niya ang pinto sa backseat. "Bakit hindi mo pa paandarin?" asik niya.
"Miss Catherine Abaya, linawin lang natin, okay? Sinundo kita dahil sinalo ko ang dapat sana ay sa papa ko. Pero hindi mo ako kargador at hindi mo rin ako driver. So hindi ko paaandarin itong sasakyan unless lilipat ka dito sa passenger seat."
Nanlaki ang mga mata niya pero lumipat din siya ng puwesto. Magkalapat na magkalapat ang mga labi niya at halos mag-abot din ang mga kilay.
"Good," pabulong na sabi ni Santi ngunit sadya ring ipinarinig sa kanya.