August 1: 1:40 pm
Bhe,
May practice ka pala, sana andiyan ako para suportahan ka at syempre para ako ang inspirasyon mo habang nagbabasketball ka.
Bhe..alam mo naman na ako ang presidente ng fan's club mo di ba at kaya kong isigaw sa buong Araneta na ikaw ang bida sa buhay ko.. nakkss kinikilig ka na no?
Wag kang mag-alala bhe ok lang ako. Malayo ako sa yo pero alam ko andyan ka.. di ba sabi mo 'kapit lang'
Mahal kita bhe..miss ko na ang mabango mong scent na tumutunaw sa puso ko..
Basta miss na kita. Ngiti lang bhe ha..
Miss kita.. higit pa sa sobra..
Labyu,
Keyndi
August 2, 2014
8:28 PM
Bhe,
Akala ko di na ako makakasagot.. maghapon kasing masama ang panahon, ulan at init din naranasan ko dito. Parang tayo nga lang ‘no? Sala sa panahon ang moods. Alam mo naman pala bhe na may mga moodswings ka pero bakit di mo pinipigilan..nagpapansin ka lang kase sa akin.. hehe. Ganun din ako bhe, tuwing umaatake ang topak ko na kulitin ka..ibig sabihin nun, naglalambing ako at gusto kong lambingin mo rin naman ako.
Bakit ba itinatago mo ang kilig mo? Sabagay ako rin naman.. pag kunwang nagseselos ka, nag-uumapaw ang puso ko, feeling ko kasi ang haba ng hair ko, di naman kase ako masyadong kagandahan para magselos ka sa iba..pero ansarap sa pakiramdam ng parang ayaw kang mawala ng taong mahal mo. Pero bhe wag sobrang selos ha..baka naman maniwala ako na maganda ako.. haha.. secret ko lang yung kagandahang yun..ikaw, ako, at si nanay lang nakakaalam na maganda ako..
Bhe, mahal kita. Ikaw lang bumubuo sa araw ko..
Miss kita. Promise..
Labyu,
KeyndiTodos los derechos reservados