114 parts Ongoing MatureHawak niya ang isang misyon nang pumapasok sa pamilya Servantes, dala ang takot at matinding pag-aalala para sa mga taong naging dahilan ng lahat ng kanyang gagawin. Ang tanging hangarin niya ay kapayapaan at kaligtasan, ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang tuluyang nagbago sa kanyang buhay.
Lahat ng kanyang ginagawa ay hindi bunga ng sariling kagustuhan, kundi dahil ang pagtalikod sa misyon ay maaaring magbunsod ng kapahamakan-kaya pinili niyang magpatuloy. Walang kasagutan, walang linaw, tanging isip na puno ng pangamba, pag-aalinlangan, at mga tanong. Patuloy na bumibigat ang kanyang konsensya, alam niyang maaaring masira niya ang kaligayahan ng iba dahil sa kanyang mga hakbang.
Habang lumilipas ang panahon, tiwala at ang pagtapos ng misyon lamang ang kanyang inaasam. Ngunit, paano kung may ibang paraan pala upang lutasin ang lahat? Para protektahan ang kanyang pamilya mula sa kamay ng sumira sa kanila? Paano kung ang katotohanan-ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ay magdudulot lamang nang mas matinding sakit?
Magagawa pa kaya niyang ipagpatuloy ang koneksyong nabuo niya sa pamilya Servantes?