What will happen when Mister Maangas MARCUS AVERIA meets the Beking Palaban XANTY MONDRAGON? Simula naba ng World War lll o may mabubuong love story? - Xanty, isang transfer student, a nerd and introvert, not a shy-type person but a quite one. Mahilig magsolo at mahirap pakisamahan. He has this very serious facial expression and cold eyes that been always misinterpreted by many. Dahil sa pagkaasar ay madalas siyang binubully sa hindi niya pagpapakita ng anumang emosyon, just plain, no more and no less. Si Marcus, isang certified badboy. Buong buhay niya wala na siyang ginawang tama. Hobby nito ang makipag-suntukan. Tubig nito ang alak. Mahilig sa bisyo. Bulakbol. At higit sa lahat, naging sport na para sa kanya ang paglaruan ng damdamin sa kung sinumang nabibiktima niya. Hindi na siya naniniwala sa totoong pag-ibig dahil iyon ang nakamulatan niya. Bata pa lamang siya nung iwan siya ng kaniyang ina. Nakipag-hiwalay ito sa kaniyang ama dahil may iba na itong pamilya. Bukod doon ay wala na siyang natatanggap na suporta sa kahit na sinong pamilya niya. Lumaki siyang walang magulang. Walang sumusuporta sa kaniya. Dahil sa madilim niyang nakaraan nawala sa landas ang kaniyang buhay at piniling maging gago ang sarili niya. Nabuhay siyang puno ng galit at hinagpis. Napuno ng kasakiman ang kaniyang puso na walang sinuman ang makakapag-pabago. Ngunit dumating ang hindi inaasahang pagkakataon, sa biro ng tadhana, nagkatagpo ang landas nina Xanty at Marcus. Si Xanty ang tanging naglakas-loob patulan ang kagaguhan niya. Kaya nagpasya siyang paglaruan ang buhay nito. Si Xanty ang bagong biktima ni Marcus. Ang bago niyang laruan. Pero bakit habang tumatagal parang siya itong pinaglalaruan? Siya ang naging biktima? Noong una ang akala niya ay isang kahibangan lang ang lahat pero natuklasan niya mismo sa sariling unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Si Xanty ba ang makakapag-pabago sa buhay ni Marcus? O, ito mismo ang magiging dahilan para tuluyang masira ang buhay niya?