Ang magkagusto sa isang tao ay normal na bagay. Iba't iba ang pakiramdam na naidudulot nito kay Navi. Yung pakiramdam na bigla ka na lang kakabahan at bibilis ang tibok ng puso mo. Isang araw naisip ni Navi na mag-confess ng kaniyang nararamdaman ang kaso naunahan siya ng kaba. Todo ang kaniyang pagsasanay para lamang makapag-confess siya pero sumobra naman yata ang kaniyang lakas ng loob dahil bigla na lamang niyang nabanggit ang dalawang salitang 'BE MINE'. Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng ginawa niya? At ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa? ------------------------------------------------------ BOOK COVER MADE BY: SENYORA_ATHENA