Ito ang kwento ng bakasyon ni Remy. Simula pa nung bata ay wala pang karanasan si Remy tungkol sa pag-ibig lalo na at isa pa siyang bakla. Kaya naman para sa kanya ay napaka imposible na makatagpo siya ng isang lalake na matatanggap siya at mamahalin siya sa kung anuman siya. Pero, Kahit ganoon pa man ay hindi sinusukuan ni Remy ang pag-ibig at naniniwala siya na lahat ng tao ay may karapatang lumigaya at makaranas nito. Ang di niya alam, sa bakasyon na ito niya makikilala ang isang lalaki na darating sa kanyang buhay at magpapalasap sa kanya ng saya na dulot ng pag-ibig. Samahan natin si Ren sa iba't ibang issue ng buhay at kung paano niya haharapin ang mga ito sa mura niyang edad. Author's note: Short story lang po ang kwento na ito. Isa po ang kwento na ito na nilikha ko nung ako ay highschool pa lamang at nahalungkat ko sa luma kong page. Sinulat ko ang kwentong ito ng una akong nakaramdam ng pag-ibig. At gaya ni Remy, sa murang edad, ako ay dumanas ng maraming suliranin sa buhay bilang parte sa pagiging adolescent stage. Ito kasi yung edad na masyado tayong mapusok sa mga desisyon at plano natin sa buhay, lalo na sa pag-ibig. Mababaw lang po ang kwento na ito dahil sa murang kaisipan ko noon kaya pagpasensyahan niyo nalang po. *Iam Sorowenpein*