Si Anika ay isang sideliner, isa sa trabaho niya ay ang pagiging labandera sa Basco Residence sa green village. Sa ilang buwan niyang pagiging on-call labandera ay hindi niya pa na mi-meet ang amo na Accountant. Sa pagkakataong napagmasdan niya ito, nasaksihan niya mismo ang hindi kanaisnais nitong ugali - antipatiko, bastos, metikuloso, at higit sa lahat, matapobre. Alam niyang hindi na siya kailanman babalik. Ngunit bakit pinababalik siya at hindi lang ang serbisyo ng paglalaba niya ang kaya nitong bayaran kundi higit pa?All Rights Reserved