Muli, sa pangalawang pagkakataon, mula sa malikot na imahinasyon ay nabuo na naman ang isang libro na naglalaman na ngayon ng hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo kundi apat na kwento na siyang mapaglilibangan ninyo tuwing bakanteng oras. Siguraduhin niyo lang na hindi kayo mag-isa habang binabasa ito. Apat na magkakaibang kwento ng katatakutan mula sa bagong kakilalang guwardiya ng magbabarkada na nagbahagi sa kanila ng mga nangyaring kakaiba sa loob ng lumang building para sa gagawin nilang project. Alamin at basahin ang mga kababalaghan na nangyayari sa bawat karakter na tiyak na maiibigan ninyo. #Wattys2015