Paano mo masasabing ayos ka na? Okay ka na ba talaga? Wala na ba talaga yung sakit o yung ............nararamdaman? Nakikita ko syang masaya na, guguluhin ko pa ba? Ikakasal na uli sya...ikakasal na uli. Sino ba ang niloloko ko eh sarili ko lang nman..tsk...kinasal kami but that was arrange marriage hindi katulad nitong nakikita ko...napapanood ko kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nya napaghandaan ng mabuti ...kung paano sya lumuhod sa babaeng gusto nya makasama habang buhay...... " Yes.. I will marry you Lance Rowan Modreal !!!!! " - Rena Bigla kung tinuon ang paningin ko sa mga nakikislapang bituin sa langit habang nilalabanan ang kirot sa aking dibdib... lahat sila masaya para sa kanila. Napapalakpakan, nagsisigawan. Ano pa ba ang ginagawa ko dito? " Ayos ka lang?" - tanong ni Lianna, kapatid sya ni Rowan pero kaibigan ko rin. Sya lang ang naniniwala sakin, sya lang ang naging sandigan ko bukod sa pamilya ko " tsk...their look good , bagay na bagay talga sila" - mahina kong sagot sa kanya,habang pinapanood ko kung paano sila magyakapan sa aking harapan, kinakain ako ng insecurity ko. Walang -wala ako kay Rena kung tutuusin, napakaganda nya, classy, elegant,sexy, matalino and international model unlike me plain girl, not classy and elegant, talino? Sakto lang, a promdi girl. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap si Lianna. " Yeah right" - w/ her sarcasm tone