Walang imposible sa taong pursigido matuto. I'm Tigress Liaby Fuerte Vuendia and I can say that I'm a good student kahit pa hindi ako sobrang matalino. Sa kabilang banda, para matuto ka kailangan mo ng isang guro. Guro sa anyo ng maestra, kaibigan, pamilya, karanasan, at higit sa lahat ay sa ating sarili. Mga gurong kaya tayong turuan ng mga bagay na hindi inaasahan at kailangan sa buhay. Pero hindi ko talaga inakalang darating ang panahon na ang pusong nais kong turuan ay hindi sasang-ayon sa nais ng aking isipan. Ang pusong ito ay natural at kusang nagwawala sa tuwing nakikita ko siya.. nabaliktad ang sitwasyon dahil ang makulit kong puso ay pursigido sa gusto niyang ituro sakin. Kaya tulad ng babala sakin ng matatanda, ang bunga ng pakiramdam na ito ay ang pagka-tanga. Tinamaan ng magaling ang mumunti kong puso at malaki ang naging epekto nito sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi ko mawari kung talaga bang may napupusuan na ko o guni-guni ko lang 'to. Nakakairita. Nakakakilig. Nakakalungkot. Nakakapagpasaya. At higit sa lahat, nakakagulo ng isipan. Aaminin ko ba sa lalaking nagpabilis ng tibok ng aking puso ang nararamdaman ko? O hahayaan ko na lang itong maging isang lihim na pagtingin... Naguguluhan ako sa sarili ko sa hindi malamang dahilan, but various people and experience enlightened me and said, they called it... Puppy love.