Paano kung magising ka sa isang selda, At sinabi sayong 2 taon na ang naka-lipas? At nakapatay ka? Hindi ka naniniwala kaya sa tuwing may dumadalaw sayong kakilala ay nag tatanong ka sa kung anong nangyari sa dalawang taon na hindi mo maalala Nag simula kang mag imbistiga, Pina-kwento mo 'yung mga panahong nakasama ka nila at kung anong napansin nila sayo, Kung may naikwento ka ba, Mga maliliit na bagay na pilit mong pinag tatagpi-tagpi. Nag imbistiga ka rin sa loob ng selda, Nag tanong ka sa kung paano ka umakto sa mga unang araw mo roon Pero sa kabila nang pag iimbistiga at pilit maka-alala ay wala ka paring nang yayari, Hangang sa dinalaw ka nang isang matalik na kaibigan. Sa kwento niya at sa diyaryo na dala kung saan nakasulat ang posibleng nang yari nung araw na 'yon base sa imbistigasyon nang mga pulis ay parang unti-unti nang nag kakalinaw ang lahat. Pero lahat nang mga napag tatanto mo at mga ibidensyang lumalabas ay ikaw ang tinuturo, May sulat kang natangap galing sa isang taong hindi nagpa-kilala at nakasaad doon ang nang yari sa CRIME SCENE at kung paano mo pinatay ang biktima at lahat nang 'yon nag tutugma sa mga ibidensya. Pero may mali, Dahil anong ginagawa niya sa crime scene? At sino ang taong 'to? Anong alam niya sa nang-yari sayo sa araw na 'yon? Bakit siya nandoon? Kaya sinimulan mong alamin at hanapin ang katotohanan habang nasa kulungan THEN THE STORY STARTED...