Isang mayamang lalaki, isang librong puno ng mahika At Isang Anghel na gagabay ang mabubuo para sa isang importanteng misyon. Ngunit sa gitna ng masayang paglalakbay ay tila may trahedya at giyerang sa kanila'y nakaabang. "Demons!" sigaw ni Gabb at nilabas ang kaniyang sandata. Sunod Sunod na atakeng nagmumula sa kampon ng mga demonyo, sunod sunod ding pagsapo ng anghel para protektahan ang isang tao. Makababalik pa kaya sila ng ligtas? O mabibihag ng mga kalaban?