Falling For The Wrong Guy (Published under Pink&Purple!)
12 parts Complete "Sa ating tatlo ni Skye, maaaring ako ang third party," Red said. "Ang pampagulo sa sitwasyon. Ang asongot. But I'm telling you this hindi dahil gusto kitang sulutin mula sa kanya. The truth is, hindi naman ako umaasang magkakaroon ng tugon ang damdamin kong ito para sa'yo. I just wanted you to know how I really feel about you. Iyon lang, Yssa. Sapat na sa akin 'yun."
At nang makita niya itong tumalikod na ay saka pa lamang nagsimulang gumana ang kanyang utak. Tila noon lamang siya nakabawi mula sa pagkakapatda.
"Red, wait!" she called out to him.
Itinigil nito ang ginagawang paghakbang palayo upang harapin siya. At nang muling magtama ang kanilang mga paningin ay nakita niyang naroon pa rin ang magkahalong emosyon sa mga mata nito, mga damdaming hindi niya kailanman inaakalang makikita niya sa mga matang iyon.
"Inaamin ko," aniya sa nanginginig na boses. "Na kay Skye ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki. Gentleman... thougthful... sweet... caring... Lahat na yata ng adjective na maiisip ng isang babae para sa ideal man niya, na kay Skye na. Pero hindi ko maintindihan kung bulag ba 'tong puso ko o talagang tanga lang dahil hindi nito nakita ang lahat ng iyon. Dahil ikaw ang nakikita nitong puso ko, Red. Ikaw at 'yang pagiging antipatiko mo."
FALLING FOR THE WRONG GUY is NOW AVAILABLE in print! Please do grab a copy, guys. THANK YOU! *mwah!*