Synopsis: Hindi inakala ni Window Ambrocio na isang Pandemya ang magpapabagal sa usad nang kanyang buhay. Fresh Graduate ito nang mag anunsyo nang Enhance Community Quarantine o ECQ sa buong Metro Manila. Kinailangan manatili nang lahat sa kani-kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan . Walang katiyakan sa magiging kinabukasan niya pero nagpatuloy parin siya sa normal na buhay. At ang inaakala niyang magiging normal ay mauuwi pala sa baliktad na pananaw niya sa mundo. Sa pag-angat nang kaso nang covid sa bansa at lalo pang pagkasadlak sa matinding hirap . Dumami din ang bilang nang mga namamatay kaya't nawalan nang choice ang mga tao kundi magsakripisyong lumabas upang may maipang laman sa kumakalam na sikmura. Sa panahong ito , hindi nalang basta digmaan nang tao laban sa matinding sakit ang iniinda. Maraming bagay ang nagtulak sa lahat para paniwalaan ang kung ano sa tingin nila ang magiging sagot sa mga nakakatakot na tanong sa mga utak nila . Oo , isa sa mga laban na kinakaharap nang tao ay ang sarili laban sa sarili . Sa laban ni Window sa kanyang sariling kahinaan ay hindi niya inaasahan na makakakilala siya nang taong makakaunawa sa kanya sa katauhan ni Zai Mercado, isang nurse na naghahanap nang panandaliang libangan habang namamahinga pagkatapos nang kanyang shift sa pag aalaga nang covid patients. Nagkakilala ang dalawa sa isang Application na sumikat dahil binibigyan nito nang kalayaan ang bawat users sa kanilang virtual world. Will a virtual conversation lead into a blooming love? Will their love survive the strong rain? May Pag-asa nga bang masilayan ang isang napakagandang bahaghari pagtapos ng Ulan? Subaybayan ang Kwento ng pag-ibig sa gitna nang Pandemya. SA PAGTILA NG ULAN ---- Sa Pagtila ng Ulan was an Official Novel Entry for HERMOSA PIEZA BL NOVEL COMPETITION 2021. Update: The whole story will be Under Revision and Cleaning. Written by: Ms. BlancbraveryAll Rights Reserved