[BOOK 1] Si Sunny Avrielle ay mayroong mataas na pangarap para sa kanyang sariling kinabukasan, halos lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikabubuti niya. Abala siya sa pag-aaral at wala siyang ibang gustong atupagin kundi ang matuto nang husto. Subalit, ano na lang ang gagawin niya kung isang araw ay lapitan siya ng isang Skye Monteverde, na kina-kikiligan ng lahat ng kababaihan? Mabibigyan ba ni Sunny ang sarili niya ng pagkakataon upang buksan ang kanyang puso para sa isang lalaki, na puno naman ng kasinungalingan ang bawat binibitawang salita? ©2021, Love Me With Your Lies by Reiiicheru