Isa sa mga pangarap ni Elizabeth Granada ay ang makatagpo ng lalaking mamahalin niya ng buong-buo at mamahalin din siya nito. Hanggang sa may makilala siyang makisig at guwapong lalaki, si Mavy Calderon. Kaagad na nabihag ng binata ang kaniyang damdamin kung kayat kaagad niya itong pinakasalan nang magyaya ito. Subalit lingid sa kaniyang kaalaman na hindi pala talaga siya totoong minahal ng binata. Pinakasalan lamang siya nito para makuha ang kayamanan na nooy nakasulat sa last will testament na dapat ay maikasal muna siya bago ito tuluyang makuha. At ang masakit sa lahat, hindi siya nito kayang mahalin dahil may iba na itong mahal. Sobrang nasaktan si Elizabeth nang matuklasan ang buong katotohanan. Nagdesisyon siyang lisanin at iwan ang kaniyang asawa. Nagpakalayo-layo siya upang makalimot sa sakit. Pumunta siya sa isang lugar na maaari siyang makapagsimula ulit na buoin ang nadudurog niya'ng puso. Doon ay nakilala niya si Aeron Madrigal. Guwapo, makisig at malakas ang sex appeal nito kung kayat hindi niya maiwasang maakit sa katangian nitong taglay. Naging mas malapit sila sa isa't isa, at dumating na rin sa punto na may nangyari na sa kanila. Paulit-ulit nila iyong ginagawa, pero para kay Elizabeth ay wala lamang iyon sa kaniya. Hindi niya mahal ang lalaki, gusto lang niya itong makasama sa kama. Dahil ang katotohanan ay hindi niya kayang kalimutan ang kaniyang asawa kahit pa sinaktan siya nito. Pero dumating ang oras na kailangan na niya'ng mamili sa dalawa. What would she choose between love or lust? ©Copyright, 2021 All rights reserved.