Isa siyang kilalang bata, pinagmamalaki ng buong angkan, magalang, mabait, maraming kaibigan at gusto ng lahat pero mamamatay'ng tao. Alam ng lahat 'yun pero wala silang pakialam.
Para sa kanya lahat ng tao ay pwede niyang maging kaibigan, kahit yata pinakamasamang tao sa mundo ay kaya niyang kaibiganin. Pero kung sa bagay, sino ba naman ang ayaw makipagkaibigan sa kanya, kahit mismong kaaway niya ay napapakaibigan nalang sa kanya.
Sabi nga ng mga kalalakihan, makita lang siyang nakangiti buo na ang araw nila. Corny daw kuno pakinggan ang mga linyahang 'yun aniya eh araw araw naman siyang ngumingiti.
Bukod sa isang 3rd year high school student ay makikita mo talagang maganda ang buhay niya. Sabi nga ng iba, puro bahay at eskwelahan nalang daw siya at wala ng iba pero diyan sila nagkakamali.
Kahit yata hardenero ng bahay nila ay kilala siya sa tunay na siya. Kung tawagin siya'y 'Angel Face but body made for war', hindi naman siya mandirigma o sundalo pero 'yun ang tawag sa kanya ng mga taong tunay na nakakilala sa totoong siya.
Matignan talaga siyang isang paboritong bata ng kanilang buong angkan. Bukod sa lahat meron din siyang nag-iisang tao na kahit ano gagawin para sa kanya. Kahit yata sabihin daw niya na tumalon ang taong 'yun ay gagawin nito. Pero hindi basta basta ang taong tinutukoy dahil bukod sa kababata ito ay may lihim rin itong pagtingin sa kanya kahit isa siyang mamamatay'ng taong walang awa.
All Rights Reserve 2022