Hindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isang larawan ay perpekto at masayang pamilya ang mga Portland ngunit sa kanilang masayang ngiti sa likod nun ay nakatago ang lungkot, pangungulila, tiwala at pagmamahal. Tulad ng isang salamin kapag nahulog na ito ay hindi na mabubuo tulad ng dati. Kahit buohin mo ay masusugatan ka at mababakas ang bitak ng nabasag, at kapag tumingin ka sa iyong repleksyon sa basag na salamin, tanging maaalala mo na lamang ang unos ng nakaraan na hindi na matatanggal sa iyong puso't isipan. Ang pamilyang ito ay unti-unting mababasag, mauupos na parang kandila. Ang pundasyon na kanilang pamilya ay mawawasak. Paano mo sasalbahin ang nakakalasong relasyon? Ipaglalaban mo ba ang pamilya mo kung tadhana na mismo ang humahamon sayo o katulad ng ilog ay magpapaagos ka na lang sa buhay na hindi mo naman alam kung saan patungo? *TIWALA... *KATAPATAN... *PAGMAMAHALAN... *PAGKAWASAK.... ANG SINUMPAANG PANGAKO SA ALTAR AY MASISIRA... A BROKEN VOW The Carson Andrew Portland and Beatrice Jimenez Story
61 parts