"Areeya Cervantes, who had a one-night stand with Hunter Santiago (who turned out to be her new boss) finally agreed to his proposal with terms and conditions, until one of those was breached--or more."
-
vixen series #1
-
Hindi alam ni Areeya na ang lalaki palang naka-one night stand niya, kung saan humiling siya ng kung ano-anong demands, ay ang bagong boss pala niya. Wala naman siyang pakialam sa mararamdaman ng mga lalaki pero hindi niya magawang hindi ma-anxious dahil boss niya ito.
Baka pag-initan siya kung sakali, lalo na, bad review pa tungkol sa nangyari sa kanila ang narinig nito, tulad ng 'malaki' lang pero hindi magaling sa kama at ang pinakamalala, pineke niya ang kan'yang mga halinghing.
Nang dahil dito, paulit-ulit na nagpo-propose ng bagong idea si Hunter kung saan magkakaroon sila ng second-night to spend together, to prove her wrong--na hindi basta malaki lang ang mayroon ito kundi magaling din at hindi totoong pinepeke niya ang ano mang naramdaman niya noon.
Makalipas ang ilang beses ng pagpu-pursue ni Hunter, sa wakas, napapayag na rin siya! Pero pagkatapos nito, ginusto na ni Hunter na magtuloy-tuloy ang ginagawa nila. Nang lumipas ang mga linggo, pumayag na siya, tutal, hindi naman 'yon ang unang beses na pinasok niya ang sitwasyong 'yon.
Pero may mga terms and conditions siya na kailangang sundin ng lalaki, at once ma-breach ang isa sa mga 'yon, kailangang magbayad ni Hunter ng compensation at automatic na matitigil kung ano man ang mayroon sila.
-
Cover design by: marisswrites
Republished. Written by Gazchela Aerienne
Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mananalo pa siya. Kahit ipinagsisigawan niya sa buong hospital ang pag-ibig niya sa binatang anak ng kanyang pasyente ay hindi iyon pinapansin ni Zuriel. At hindi rin nito pinapansin ang pagyayaya niya rito ng date.
"Malala na ang kabaliwan mo, Yvonne. Mas malala ka pa sa mga pasyente rito."
Halos pakyawin nito ang lahat ng psychiatric nurse roon. Bakit siya ay hindi nito magawang pansinin? Seksi naman siya, maganda at galing sa kilalang pamilya. Isang araw ay nakulitan na ito ng tuluyan at idinare siya. She should beat his dates in one week before he agreed to date her. Pero hindi lang date ang gusto niya kay Zuriel Andreau.
"Sorry, I can't be your boyfriend. Consistent date lamang ang mai-o-offer ko."
Kahit nakukulangan siya sa premyo ay pumayag na din siya, makasama lamang kahit saglit si Zuriel Andreau. Nanalo si Chantal Yvonne sa dare nila ni Zuriel Andreau dahil kusa itong nagpatalo sa hindi niya alam na dahilan. It's like hitting two birds with one stone, panalo siya sa dare nilang magkakaibigan, naging consistent date pa niya si Zuriel Andreau ng ilang buwan. May bonus pa, nauwi sa totohanan ang relasyon nila. Hinayaan siya nitong makapasok sa puso nito maski natatakot na iyong muling magmahal ng totoo.
Pero, paano na kapag nalaman ni Zuriel Andreau na ang puno't-dulo ng magandang relasyon nila ay isang pustahan? At ang puso nito ang tropeo na pinagpupustahan? Magagawa kaya niyang papaniwalain ang binata na ang damdamin niya para rito ay totoo at hindi dahil lamang sa premyo?