Isa lang namang simpleng transgender girl si Klara. She just wants someone who can love and accept her completely - it may sound cliché but that's how life works, 'di ba? Life is cliché so as love.
Kaya nga noong na-broken siya dahil sa crush niyang paasa, nawalan na siya ng pag-asang may magmamahal sa kaniya. In a young age, she thought love isn't for her.
And here comes . . . her moon. Si Buwan, kung kaniya'y tawagin. Sa kaniya naramdaman ni Klara ang lahat ng kaniyang first times. And whether she admit it or not, alam niya sa sarili niyang ang kaniyang boyfriend ay hindi lang buwan, kung 'di ang buong mundo. Hindi lang ito ang solar system, kung 'di ang buong universe. She thought everything already fell into places and her desires were already fulfilled.
Pero sa mga pagkakataong akala nila ay maayos na ang lahat. Nagsisimula na silang isulat ang love story nila sa papel ng tadhana, bakit kaya doon naman magsisimulang magsidatingan ang laksang problema? Willing kaya si Klara na harapin ang mga iyon? Kayanin kaya niyang ipaglaban ang kaniyang buwan? O she'll just let destiny to decide what's best for them and wait for their paths to cross . . . again? In the right time, in the right place?
"Kung hindi man ito ang tamang pagkakataon at panahon para sa ating dalawa, hinihiling ko sa ngalan ng buwan na sana . . . magtagpo tayong muli. Kapag puwede na."
--
@klarenciummm
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.