Ang kwentong dagli o sa englis ay kilala bilang flash fiction ay mga kwentong mas maikli pa sa maikling kwento. kalimitan ito'y umaabot lamang ng hanggang dalawang daan at limang daan o minsa'y isang daang mga salita lamang. Subalit Ang iba ay itinuturing pa rin na kwentong dagli o flash fiction ang mga kwentong umaabot sa bilang na isang libo ang mga salita. Ang kwentong dagli ay madalas tungkol sa iba't ibang paksa sa buhay ng isang tao o kaya ay sa pang-araw-araw na karanasan, na kung saan ay laganap din sa kasalukuyan. First person ang ginagamit sa pagsulat ng kwentong dagli. Ang kwentong dagli ay madalas na may twist at aral sa tuwing magtatapos na ang kwento. Kung nais niyo pang maintindihan kung ano nga ba ang kwentong dagli maaari niyong basahin ang mga akda nina Juan bautista at Eros Atalia upang mas lalo niyo pang maunawaan kung ano nga ba ang dagli PAALALA MULA SA MAY AKDA: Ang pagkuha at pagkopya ng isang intelektwal na bagay na hindi sayo material man, ideya o sulat ay mahigpit na ipinagbabawal ito ay may karampatang parusa sa ating batas. "PLAGIARISM IS A CRIME"
3 parts