Kabilang sa mataas na porsyento ng mga estudyante sa kasalukuyan ay aktibo sa social media, mahilig gumala at magpunta ng party, madaming kaibigan o 'di kaya'y may mga ka-ibigan at s'yang tunay na ang pinta ng kasiyahan at laya ay mababakas sa kanilang mukha. Sa kabilang banda, naiiba ako sa kanila, ako yung tipo ng estudyante na hindi sanay sa maraming tao na tila ba walang pakialam sa mundo. Kadalasan maihalintulad sa akin ang salitang "weird", ngunit tinutugunan ko na lamang ito ng isang pilit na ngiti. Sa kadahilanang sanay na'ko at nais na lamang na mabingi. Sa patuloy na paggalaw ng mga kamay ng orasan, aking naoobserbahan na wala ng halos pumapansin sa'kin at 'yon naman ang gusto ko. Ang mawala at mag laho sa kanilang paningin. Ngunit sabi nga nila, "Sa paglubog ng araw, asahan natin ang pagsikat nito. Na kung saan darating din ang isang taong magdudulot sa iyo ng pagbabago. At sa pagdating nya, mararamdaman mo muli kung ano ang anyo ng saya at laya sa labas ng iyong sariling mundo." This story will make you smile and fall in love. Ps. The photo was not mine. Writter: Intvrt Editor: immanuelaadenAll Rights Reserved