Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa relasyong meron sila, hindi niya namalayang lumago na palang mag-isa ang kasintahan. Natuto at yumabong ng mag-isa. Nang hindi siya kasama. Mahirap. Masakit. She gave it all in kaya nang magkanda-leche-leche, wala nang natira sa kanya. With a broken heart and a lost soul, she decided to isolate herself in an island. Far from home. Far from the heart aches. Wishing she'd heal and find herself there. Kaya lang, ano nga ba ang kasiguraduhan niyang magandang ideya ang pagpunta sa islang 'yun? What if instead of healing, she'd cause herself another heart fucking ache? Status: Completed