"Ang buhay ay sadyang punong puno ng pighati. Sabi nga nila hindi maaring mawala ang problema sa mundo. Dahil kung walang problema, paano tayo matututo na mabuhay at magiging matatag? Ganoon pa man maraming paraan para makaligtas, makalimot at makalaya paminsan minsan. At para sa akin isa na rito ang musika. Dito ko inilalabas lahat lahat ng aking hinain at saloobin. Musika ang aking kalayaan at aking kapahingahan sa lahat lahat nang pagsubok na dumarating sa akin. Dahil ang mundo ay sadyang mapait at malupit sa akin." ***** Ito ang pinakamalungkot na nakasulat sa diary ng aking ina. Sa tuwing mababasa ko ito'y damang dama ko ang lungkot niya. Ako nga pala si Hera tagapagmana ng angkan sa larangan ng musika at instrumento. Ngunit dahil sa isang insidente hinding hindi ito mapupunta sa akin dahil sa batas ng aming angkan na binali ng aking ina. Pero gayon paman ay wala akong pake hindi ko kailangan ng yaman ng aming angkan. Ang importante nalang sa akin ay ang ipagpatuloy ang tunay na minahal ng aking ina.