"Mahal Kita Tyron Villena!!" Natigil sa pagkain ang mga nasa loob ng canteen dahil sa deklarasyon niya. May narinig siyang mga nagbubulungan. Halos lumubog siya sa kinatatayuan. Ikaw ba naman ang magconfess sa harap ng madlang pipol. Nakakainis kasi si Tyron. Napakasuplado gusto lang naman niyang mapansin siya nito. Halos magkakalyo na siya sa dami ng love letters niya dito pero dedma talaga ito sa kanya. I am Janine Conde, A Grade 9 student.. What I want, I will get.. Yan ang motto ko sa buhay!. Kaya naman ganun ako kadeterminado na mapansin at magustuhan ni Tyron At hindi ako titigil hanggat hindi nito napapansin ang existence ko and eventually mahalin niya din ako. Hindi siya makagalaw sa kinatatyuan ng matanaw niyang papalapit sa kanyang direksyon si Tyron. Ngingisi ngisi ito, na nagpaskip sa tibok ng puso niya. Gosh I really like him!!! Huminto ito sa harap niya. Literal nagpapalpitate siya!! What now!?sasabihin na din ba nitong Gusto siya nito? Nang makalapit ito sa kanya, yumuko ito at inilapit ang bibig sa tainga niya.. Promise kinilabutan siya!. "Hindi kita gusto! And please Get lost!" Mahina ngunit madiin na bulong nito sakanya. Binangga pa siya nito bago umalis. And her heart stops to beat 💔.. Broken sa sobrang broken.... "Mukhang basted!!" Sigaw ng mga barkada ni Tyron na magkakasama sa isang lamesa. Nagtatawanan pa ang mga ito Sabi nga sa kanta ni Sarah G. Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan?.. Umiiyak na lang palagi..... Titigil ka na ba kung hindi ka naman mahal ng taong mahal mo!! To love or to surrender?All Rights Reserved