Ano nga ba ang totoo at ano nga ba ang kathang-isip lang? Sino nga ba ang makapagsasabi kung alin ang kasinungalingan at ano ang dapat paniwalaan? Paano pasusubalian ang nakita ng iyong mata at nahawakan ng iyong mga kamay? Paano maikakaila ang mga bagay na umukit sa iyong alaala at lumikha ng ibayong saya at dusa? Ikaw nga ba ang dakila at sila ang tunay na baliw? {Encantado (At ang Daigdig ng Shin'ar - Book 1)}