Sa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who's struggling to live. She is used to have a hard life. Madalas ay napapagod na s'ya sa mga ganap n'ya sa buhay kaya napapaisip na s'yang takasan ito. Pero isang araw, hindi n'ya malaman kung swerte ba s'ya, dahil kasabay nang pagkakakilala n'ya sa mga iniidolo n'ya ay ang pagbabago ng buhay n'ya. Ang dating magulo at mahirap n'yang buhay, unti-unting nagbago kasabay ng pagkakalapit n'ya sa mga binatang nagpabago ng buhay n'ya. Nakatakas na nga kaya s'ya sa mapait na mundo? O magbubukas lang ang pagkakalapit n'ya sa grupo ng panibagong gulo? Makatutulong ba ang pagkakalapit niya sa SB19 o mas makasasama pa? Makaapekto kaya siya sa buhay ng mga ito o siya mismo ang maimpluwensyahan ng mga ito? Date Started: Oct. 03, 2021 Date Finished: Dec. 30, 2021All Rights Reserved