15 parts Complete Si Evren Alice Alcantara ay isang writer. Nagsusulat s'ya ng mga nobela tungkol sa kung gaano ka, hindi patas ang mundo sa mga mahihirap. Nang makatapos s'ya sa pag-aaral ng high school ay nagtrabaho na kaagad s'ya. Halos napupunta lahat ng suweldo n'ya, sa mga gamot ng kanyang kapatid, na may malubhang sakit, at sa mga utang ng pamilya n'ya.
Gusto na n'yang sumuko sa buhay, dahil alam n'yang kahit na madami pa s'yang trabaho na pasukan ay mahirap pa rin sila. Gano'n pa rin ang buhay n'ya. Tatalon na sana s'ya sa tulay ng makita n'ya ang isang flier na nakadikit sa poste. Hindi sinabi kung anong klaseng trabaho ito, pero kalahating milyon ang suweldo sa bawat buwan. Nang matanggap s'ya rito ay pinirmahan n'ya na ang kontrata.
Ang hindi n'ya alam na isa pala itong hindi katanggap-tanggap na trabaho. Na buhay ang kapalit nito, kung hindi n'ya magawa ng maayos ang trabaho. Sa isang pagkakamali ay puwedeng mawala ang buhay n'ya.
Makakayanan kaya n'ya ang trabahong ito, para sa pera? O magiging palpak ang pangarap n'ya na umangat sa buhay?