Minsan sa buhay natin, dumating tayo sa puntong alam natin na 'yon na ang huli. Huling pagkikita. Huling pag-uusap. At madalas hindi natin napaghandaan yung epekto ng taong nang-iwan. Dalawang taon? Tatlo? Halos hindi ko na matandaan yung huli. Pero bakit isang rinig ko lang sa boses mo may dalang sakit parin. Sakit na sa isang punto ng buhay ko umasa ako sayo, umasang pipiliin mo.