"Masarap talaga magmahal pag nasa tamang tao na" dinig ko sa mga kaibigan ko. "Nasa tamang tao naman ako pero bakit mali?" sabi ko sa isip ko. "Bakit ghorl may jowa ka?hahahaha" saad ni nica sabay tawanan ng iba pa namin kasama. Hindi ko namalayan na napalakas ko pala, tinaasan ko sila ng kilay "oo ganda ko e hahahaha" sabay lakad papunta sa labas ng classroom namin. Huminga ako ng malalim, nasa tamang tao naman pero bakit mali? gggrr kaasar naman!. Napayuko na lang ako sa inis, ano ba kasi itong napasok mo Althea?kahit kailan talaga!! "Aray ko" napahawak ako sa noo ko, sino ba kasi ito di man lang tumitingin. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo Miss. Althea" tumingin ako sa nagsalita "mali talaga" biglang kong saad.