Susunod na Habang Buhay
  • Reads 62
  • Votes 2
  • Parts 4
  • Reads 62
  • Votes 2
  • Parts 4
Ongoing, First published Apr 28, 2021
Mature
Kung pangarap at realidad lang naman ang pagbabasehan ng lahat, handa si Audrey Suarez na manindigan sa kanyang tungkulin. Bata pa lamang siya'y alam na niyang gusto niyang maging tulad ng Lolo Lucas niya na maging isang respetado at magaling na doktor. Ngunit matapos ng isang insidente, nahanap ni Audrey ang kanyang sarili na nakaipit sa gitna ng pagpili kung itutuloy pa ba niya ang inaasahang pagdodoktor o kalimutan na lamang ang pangarap na ito. 

Habang naghahanap ng kasagutan sa kanyang buhay, hindi inaasahan ni Audrey na mahulog sa isang balon at mapunta sa taon ng 1897, kung saan kabi-kabila ang mga rebolusyon sa Pilipinas. Dito'y mapupukaw niya ang atensyon ng misteryosong si Doktor Francisco Hidalgo na pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa pagtatangka sa buhay ni Adelina Castaneda, ang katauhang ginagampanan niya sa mundong iyon. 

Sa mundong pangarap, prinsipyo at realidad ang umiiral, mahahanap kaya ni Audrey ang kasagutang minimithi? Higit sa lahat, pipiliin pa ba niyang makabalik sa susunod na habang buhay?
All Rights Reserved
Sign up to add Susunod na Habang Buhay to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos