"Ano ba'ng ginagawa natin dito, Kyve?" Iritang sinabi ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit basta-basta nalang ako nagpahila sa lalaking 'to. Sabi ko naman sa sarili ko na iiwasan ko na siya! Pero anong ginagawa ko ngayon?! Sino ba naman kasing hindi maiirita, hinila ba naman ako papasok sa room na wala tao. O_O T-teka.... W-walang tao?! Kyve has been my enemy simula pa lang nung punasok ako dito sa Falcon High. Nakakairita lang talaga, bwiset na Franco 'yon! Pinagtutulakan ba naman ako sa lalaking 'to. Sinabi ko na sa sarili ko na magfo-focus ako ng pag-aaral at ayoko makisalamuha ang mga sikat na kagaya nila para walang distractions sa pag-aaral ko. Argh! "Kehlani.." usal nito. "Ano?!" Naiinip na sinabi ko. Ganun parin naman ang mukha niya, walang emosyon. Hindi ko alam kung tao pa ba 'to o robot? "Be mine, stupid." O_O Ha? Bakit biglaan? "Naka-shabu kaba? Alam mo, baka inaasar mo lang ako." Sabi ko at akmang bubuksan na 'yung pinto para lumabas nang may humila sa isa pang kamay ko-at si Kyve 'yon. >O< Anong ginagawa niyaaa?! Para akong nabibigla na para ewan, 'di ko alam kung anong nangyayari sa mokong 'yon. At ang mas malala, hindi pa nag fa-function ang utak ko. Baka pinagtitripan lang talaga ako 'nun!All Rights Reserved