"Nakita ko sya sa labas ng classroom namin, nakapatong ang kamay sa sampahan sa balcony ng hallway, nag mamasid sa ibabang bahagi ng school building, nakangiti habang pahuni huni ng isang kanta at tila ay nakangiti pa. Napansin ko ang kanyang mga matang nag niningning sa tuwa at ang kanyang labing mapula. Nasambit ko na lamang saking isipan ang mga katagang: Ang gwapo nya." - Mandy "Nakikita ko sya tuwing madaraanan ko ang silid aralan nila, di ko mapigilang mapangiti sa isipin pa lang na papalapit na ko sa kinaroroonan nya, nakakaakit ang mahiyain nyang mukha at ang mga ngiti nyang nakakapag paganda ng araw ko.." - Dylan