"Get her out of here. Make sure na hindi na ulit makakaapak ni isang paa ng babaeng 'yan sa loob ng building na 'to kung ayaw niyong nawalan ng trabaho." Sabi ko at papasok na sana sa opisina ko ng magsalita ulit siya. "Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako pakikinggan? Don't you even want to know kung anong nangyari sa akin sa nakalipas na sampung taon? Vince naman. Please kahit ngayong lang pakinggan mo naman ako." God, please if anything happens, please know that I tried to hold back. "Fine! Let's here your fucked up reason." Sandali siyang natahimik na para bang hindi niya alam kung anong sasabihin. Ganon ba kahirap gumawa ng dahilan? Hah! Ano pa bang aasahan ko? Sinasayang ko lang yung oras ko dito. "Get her out of he-" "It was a prank!" What the fuck?