Si Ariadne ay isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya. Pero kahit kelan ay hindi nya ito ikinahihiya, dahil kahit mahirap o kapos-palad lang sila, puno naman sya ng pagmamahal galing sa kanyang mga magulang. Lumaki syang mabait, mapagmahal, matulungin, at maawain. Napakasaya ng magulang nya na ipinanganak sya at lumaking responsableng babae. Wala na silang maihihiling pa dahil masaya na sila sa kung ano ang meron sila.
Hanggang sa dumating ang hindi inaakalang pangyayari na mamatay ang kanyang Ama dahil sa isang malubhang sakit. Labis silang nalungkot, pero hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang kanilang nakagisnan. Wala na silang magagawa dahil nangyari na, kaya habang buhay pa sila sa mundong ito, ipinaparamdam na nila na mahal nila ang isat-isa.
Isang araw, may natanggap silang mensahe mula sa kaibigan ng kanyang Ama. Nalaman din nila ang nangyari at inalok na doon nalang tumira sa kanila.
Sa tingin mo, ano kaya ang magiging desisyon ng mag-ina?
Papayag ba silang iwan ang tahanan na minahal nila ng lubos o hindi?
Ano naman kayang mangyayari sa kanila kung sakaling doon na sila titira?
Ganon na lang kasikat sa Auburn International School si Zeiden Ace Padilla. Marami humahanga sa kanya dahil sa angkin mga talento niya lalo na sa pagsasayaw.Maraming gustong umangkin sa kanya.Maraming nababaliw sa kanya.Maraming nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak etc.
Ngunit paano kung siya naman ang makaranas kung ano ang naranasan ng kanyang mga taga-hanga.
Yung tipong pag nakita mo kaagad siya ay kumpleto na araw mo.
Yung kapag kinausap ka niya at mawawala ka sa wisyo.
Yung kapag nandiyan ay parang bumabagal ang ikot ng mundo.
Bibilis at Bibilis ang tibok ng puso niya kapag kausap niya na ang taong sa umpisa pa lang ay nakapagpatibok na ng puso niya.
Babagal at babagal ang mundo niya kapag kaharap niya na ang taong gusto niya, yung taong pinapangarap niyang mahalin, yung taong inaasam asam niyang makita araw-araw, yung taong makita mo lang ay kumpleto na ang mundo mo yung tipong wala ka nang hahanapin pang iba.
At tanging masasabi mo lang ay SIYA NA NGA! SIYA NA! WALA NANG IBA!
Pero paano kung yung nakaraan na matagal nang natapos ay muling umungkat at gumulo sa tahimik na mundo nila?
Paano kung yung nakaraang tapos na at nailibing na ay muling aangat sa hukay?
MALALAGYAN PA BA NG NGITI ANG KANILANG MGA LABI AT PUSO?
WITH A SMILE:Season 1 by ACEZHEJ 2020