A sequel to the novel-1889.
***
Isang time traveling program ang naimbento ng grupo ng mga propesor at kasama sa proyektong ito ang pamahalaan. Hindi pa ito sinasabi sa madla at wala pang nakakaalam kung hindi ang mga taong involve rito.
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, isang estudyante ang aksidenteng nakapaglakbay at bumalik sa taong 1889.
Gamit ang isang time traveling capsule, limang tao ang maglalakbay at maghahanap sa dalagang bigla na lamang nawalang parang bula. Mahalagang mahanap nila ito dahil iniiwasan nilang maiba ang takbo ng mga pangyayari sa hinaharap at isa pa rito ay dahil ang dalagang ito ang nag-iisang anak ng gobernador ng Bataan.