HOPE and a FUTURE-Tagalog Devotional
30 parts Ongoing "Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa mas lalo pang ika-uunlad ng iyong pagkatao."
Halina't iyong tuklasin sa librong ito kung paano maisapamuhay ang mga aral na itinuturo sa atin ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili kang buhay at malakas at binigyan pa ng pagkakataon upang maranasan ang magandang Plano para sa iyong buhay at maayos na kinabukasan.
Dalangin ko na sa tulong ng devotional na ito ay mas lalo mong makilala ang Diyos at mas lumalim sa kanyang presensya at patuloy na lumago sa buhay kristiano.
Sa Diyos ang mataas na Papuri, Karangalan at Pasasalamat sa pangalan ni Jesus...