Journey.
Sobrang hirap mag-mahal ng isang tao na gago, sinungaling , mayabang , babaero at iba pa, nasa kanya na ata lahat ng red flag ng isang lalaki..but still that didn't stop me to love him even more.
kapag kasama ko siya para akong nasa dagat na umaalon, magulo pa sa magulo tuwing Kasama ko siya! Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit iyong lalaki na yon ang minahal ko.
Makakaramdam ka ng kilig, saya, lungkot, galit, sama ng loob, at awa.
But everyday when my friends asked me, why? Bakit siya? Same answer "mahal ko eh"
--
Yna_loves_you!
Gaano nga ba kahirap mahalin ang isang tao na may mahal nang iba? Bakit ba pilit pa rin nating sinisiksik ang sarili natin sa kanila gayong wala naman silang maisukli sa atin maliban sa sakit at hapdi ng pagmamahal?
Bakit mas pinipili natin sila kaysa sa mga taong nandiyan na, hinihintay tayo pero hindi natin pinagtutuonan ng pansin?
Sa buhay ko, minahal ko ang isang lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik... at nang handa na akong magmahal ulit ng iba ay saka siya bumalik para guluhin ako. Ayan ang gusto ko. Yung hindi ako mahal dati pero ngayon ay hinahabol na ako... pero hindi ako natutuwa. Kasi nasasaktan ako.
Nasasaktan ako kasi parehas silang nasasaktan dahil sa akin.
(Started: January 01, 2014 - Ended: August 01, 2015)