Ang Halimaw sa Dumpsite
  • Reads 188
  • Votes 27
  • Parts 5
  • Reads 188
  • Votes 27
  • Parts 5
Ongoing, First published May 05, 2021
Mature
May gumagala raw na manananggal sa Payatas Dumpsite tuwing sumasapit ang hating-gabi. Iilang mga residente na rin ang nagsilikas sa nakasusulasok na lugar na iyon, alang-alang sa kanilang kaligtasan dahil sa panganib na baka isunod silang lapain ng lumilipad na aswang. Napapabalita kasing gabi-gabi, may nabibiktima ang halimaw sa dilim at natatagpuan na lamang na wala ng buhay ang mga residente sa lungsod ng Quezon sa tambakan ng mga basurahan; dilat ang mga matang larawan ng pagkasindak, butas ang tiyan na wala ng mga lamang-loob at wakwak ang dibdib na tinanggalan ng puso. 

Isa sa residente sa kilalang dumpsite na iyon, ang mag-inang Geraldine at Daisy Magdalena. Gawain na ng mag-ina ang mangalakal sa tambakan ng basurahan ng bote, bakal, plastic at iba pa. At ang makakalakal nila sa dumpsite ay ibebenta sa junkshop at maipanlalamantiyan sa araw na iyon. Batid nila ang panganib sa loob ng dumpsite na sakop ng kanilang tinitirahan subalit mas pinili nilang manatili dahil wala rin naman silang ibang paglilipatang bahay. Walang ibang kamag-anak o mga mahal sa buhay. 

Hanggang sa makaengkwentro ng dalagang si Daisy ang manananggal. Nang makilala na niya ito ng husto, napatunayan ng dalaga na hindi pala ang kalahating katawan na lumilipad na aswang na iyon ang tunay na halimaw sa dumpsite. 

Kung ganoon, sino o anong klaseng halimaw ang nasa likod ng pagpatay sa Payatas Dumpsite?
All Rights Reserved
Sign up to add Ang Halimaw sa Dumpsite to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Special Section (Published under Pop Fiction) cover

Special Section (Published under Pop Fiction)

45 parts Complete

The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the killer before the killer finds her? *** When Rhianne transferred schools and became a part of Special Section, she thought she belonged to the best. But one day, everything started to crumble down. Their teacher left, attitudes have changed, and a curse has been causing their classmates to die. At this point, anyone can be considered as the killer-the person whom you considered as a friend might actually be the one who would stab you to death. Can the group of Rhianne be able to find the truth and catch the killer before it's too late? DISCLAIMER: This story is written in Taglish.