"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two... in all aspects! Second daughter, second sister. Salutatorian, second honor simula nang mag-aral siya. Hanggang sa love life ba naman? Siya pa rin ang second option? Sawang-sawa na si Mavis maging pangalawa. Ayaw na niyang maging option na naman sa susunod niyang laban. Laban para sa pag-ibig nang natatanging lalaking minamahal niya. Si Case. Magiging first na kaya si Mavis sa puso ni Case? O hanggang dito ay may mauuna na naman sa kanya?